Thursday, October 18, 2012

Chords for Maroon 5's "Won't go Home Without You"

This is my first attempt at putting up in the internet after figuring out chords to a song. Learn to play Maroon 5's "Won't go Home Without You"






Watch Maroon 5 perform "Won't go Home Without You" live

Sunday, October 14, 2012

Salamat sa mga Bumati Ngayong Kaarawan ko


Salamat sa mga bumati ngayong birthday ko! Pasensya, hindi ko na kayo maiisa-isa. Tumatanda na ako at wala nang energy na magpuyat. Kaya ila-like ko na lang. Hindi na ako magko-comment.

Bawat taon, may iba’t-ibang dating ang kaarawan natin. Pinakamalungkot ko noong 2004. Dahil kakaunti lang ang nakaalala. Pinakamasaya noong 2009. Dahil may pera. Pero ordinaryo lang ang dating ng kaarawan ko ngayon. Nasa bahay lang ako sa Fairview. Siguro dahil iniisip ko pa rin ang thesis ko. At mas matindi rito, wala akong pera.

Bagong gupit para sa bagong edad.


Anyway, maraming nangyari noong edad 28 ako. Nagsimula ulit akong mag-blog; nakapasa ako sa Comprehensive Exam sa Ateneo; unang beses kong nakarating sa Mindanao; unang beses ko ring nakalabas ng bansa; pumunta ako sa Thailand, Singapore, at Malaysia; at kung anu-ano pa.

Ano kaya’ng mga mangyayari ngayong 29 na ako? Huling taon ko na ito sa line of two. Next year, 30 na ako. Inaamin ko, nakakatakot. Tama pala ang sinasabi nila na, “tatanda rin ang lahat ng tao.” Kahit makailang pushups at pullups ako sa workout, ‘di na ako babalik sa pagkabata.

Sabi nila, ‘wag ko raw ibase sa iba ang kasiyahan ko. Kumbaga, kung may bumati man o wala, dapat kaya ko pa ring pasayahin ang sarili ko. Masyado namang counselling psychology ‘yun. Hindi naman ako naglalahad ng emosyon sa isang support group. Pero may punto naman, ‘di ba?

Pero, ang totoo, maligaya ako’t maraming nakaalala.Kaya hindi ako masyadong naniniwala sa mga teorya ng self-esteem. Na sa akin dapat magmumula ang contentment.

Isa pa, Linggo ngayon. Kaya alas-10 na ako gumising kanina. Mataas na ang sikat ng araw. Masarap ang walang ginagawa kapag birthday. Nagmumuni-muni lang. Sinorpresa pa ako ng nanay at ng mga kapatid ko. Naghanda sila ng munting salu-salo! Bundat na naman ang tyan ko.

Oo nga pala, nagkataon na ngayong kaarawan ko rin na-approve din ang entry ko sa "Dear Photograph" blog.

Ayon sa tradisyunal na pagpaplano ng buhay, matapos mag-aral, magtrabaho; sunod, mag-asawa. Ibig sabihin, ang next step ko dapat ay marriage. Kaya matagal-tagal na ring sumasagi sa isip ko ito. Nararamdaman ko na rin ang “pressure”. Mula sa mga magulang, dating kaeskwela, church mate, at sa sarili. Pero sa susunod ko na ilalahad sa inyo kung ano’ng ibig kong sabihin. Abangan ang blog post ko. (Nag-plug pa.)

Basta ang punto ko, masaya ako dahil sa mga kapamilya, kaibigan, at sa mga bumati. Maraming-maraming salamat! Tatanda rin kayo! ;p

Mag-click dito para makita ang "Dear Photograph" entry ko.