Thursday, July 2, 2009
Halik sa Ama: Isang Elegia
ni Paeng Ferrer
July 2, 2009
Hindi lahat ng pagdampi
na pisikal ay malugod.
'Di ko tanda ang halik mo,
o misay mo, o kung bakit
'di kita nakilala noong
nag-ahit ka. Magaling ka
na inhinyero at amo.
Kakayahan mo'ng mga ito.
Paano ako hihingi
ng bagay na 'di mo kaya
tulad ng mabuhay muli?
Ngayo'y ganito na ako
mag-isip. Dati'y poot lang.
Sino ako para sa 'yo?
Hinihintay pa rin kita.
Ang huling halik ko sa 'yo
ay itinuro ng Red Cross.
Naaamoy ko ang toothpaste
pero hindi kita ramdam.
Nabigla ang bawat nagmasid. #
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
lungkot.. dapat hinalikan mo ng mas marami noong nabubuhay pa. pero magand ang tula!
ReplyDelete*maganda
ReplyDeleteSalamat ng marami. :-)
Delete