Wednesday, November 21, 2012

Learn to Play "Stella" by Ida Maria

I've been absorbed in Ida Maria's music lately. She's a musician from Norway who won multiple international and local awards. Her genre is a mixture of pop and punk. She has also performed with Iggy Pop, vocalist of one of the most influential punk band in the 60's and 70's.

Among Ida's songs, one of my favorites is "Stella" because of the melodic arrangement and the witty lyrics.

Of course, I just had to learn to play it on my acoustic guitar. So if you want to strum your guitar strings to this type of music, here is the chord pattern.






































(Listen to Stella by Ida Maria to get the tempo)


Click here to find out more about Ida Maria

Thursday, October 18, 2012

Chords for Maroon 5's "Won't go Home Without You"

This is my first attempt at putting up in the internet after figuring out chords to a song. Learn to play Maroon 5's "Won't go Home Without You"






Watch Maroon 5 perform "Won't go Home Without You" live

Sunday, October 14, 2012

Salamat sa mga Bumati Ngayong Kaarawan ko


Salamat sa mga bumati ngayong birthday ko! Pasensya, hindi ko na kayo maiisa-isa. Tumatanda na ako at wala nang energy na magpuyat. Kaya ila-like ko na lang. Hindi na ako magko-comment.

Bawat taon, may iba’t-ibang dating ang kaarawan natin. Pinakamalungkot ko noong 2004. Dahil kakaunti lang ang nakaalala. Pinakamasaya noong 2009. Dahil may pera. Pero ordinaryo lang ang dating ng kaarawan ko ngayon. Nasa bahay lang ako sa Fairview. Siguro dahil iniisip ko pa rin ang thesis ko. At mas matindi rito, wala akong pera.

Bagong gupit para sa bagong edad.


Anyway, maraming nangyari noong edad 28 ako. Nagsimula ulit akong mag-blog; nakapasa ako sa Comprehensive Exam sa Ateneo; unang beses kong nakarating sa Mindanao; unang beses ko ring nakalabas ng bansa; pumunta ako sa Thailand, Singapore, at Malaysia; at kung anu-ano pa.

Ano kaya’ng mga mangyayari ngayong 29 na ako? Huling taon ko na ito sa line of two. Next year, 30 na ako. Inaamin ko, nakakatakot. Tama pala ang sinasabi nila na, “tatanda rin ang lahat ng tao.” Kahit makailang pushups at pullups ako sa workout, ‘di na ako babalik sa pagkabata.

Sabi nila, ‘wag ko raw ibase sa iba ang kasiyahan ko. Kumbaga, kung may bumati man o wala, dapat kaya ko pa ring pasayahin ang sarili ko. Masyado namang counselling psychology ‘yun. Hindi naman ako naglalahad ng emosyon sa isang support group. Pero may punto naman, ‘di ba?

Pero, ang totoo, maligaya ako’t maraming nakaalala.Kaya hindi ako masyadong naniniwala sa mga teorya ng self-esteem. Na sa akin dapat magmumula ang contentment.

Isa pa, Linggo ngayon. Kaya alas-10 na ako gumising kanina. Mataas na ang sikat ng araw. Masarap ang walang ginagawa kapag birthday. Nagmumuni-muni lang. Sinorpresa pa ako ng nanay at ng mga kapatid ko. Naghanda sila ng munting salu-salo! Bundat na naman ang tyan ko.

Oo nga pala, nagkataon na ngayong kaarawan ko rin na-approve din ang entry ko sa "Dear Photograph" blog.

Ayon sa tradisyunal na pagpaplano ng buhay, matapos mag-aral, magtrabaho; sunod, mag-asawa. Ibig sabihin, ang next step ko dapat ay marriage. Kaya matagal-tagal na ring sumasagi sa isip ko ito. Nararamdaman ko na rin ang “pressure”. Mula sa mga magulang, dating kaeskwela, church mate, at sa sarili. Pero sa susunod ko na ilalahad sa inyo kung ano’ng ibig kong sabihin. Abangan ang blog post ko. (Nag-plug pa.)

Basta ang punto ko, masaya ako dahil sa mga kapamilya, kaibigan, at sa mga bumati. Maraming-maraming salamat! Tatanda rin kayo! ;p

Mag-click dito para makita ang "Dear Photograph" entry ko.

Sunday, August 19, 2012

Sagot sa Number 12 Rejected UPCAT Essay Question: Why will Rick Astley Never Gonna Give You up, Never Gonna Let You Down?


Disclaimer: Nag-eksperimento lamang ako sa isang istilo ng pagsusulat. Ang mga opinyon sa entry na ito ay hindi ko totoong pinaniniwalaan. Enjoy!  :-)


12.) Why will Rick Astley never gonna give you up, never gonna let you down?*



Nasa harap ka ng laptop. Nagtsitsek ka ng e-mail at nag-e-fb. Nakakita ka ng interesanteng link. “Pinoy Sex Scandal,” ang pamagat. (Mag-click dito para manood ng Pinoy Sex Scandal.) Dahil gumana ang pagkamanyak mo, nag-click ka sa link. Si Rick Astley na sumasayaw at kumakanta lang pala ang napanood mo. “You’ve been RickRolled,” sabi ng pahina. ‘Di ba masisira ang araw mo?



Si Astley ay isang Briton na mang-aawit. Sumikat ang kanta niyang pinamagatang “Never Gonna Give You Up” noong 80’s. Nanatili ito nang ilang linggo sa tuktok ng UK at US charts.


(Panoorin ang Music Video ng Never Gonna Give You Up
ni Rick Astley)


Kung gayon, why will Rick Astley never gonna give you up, never gonna let you down? Kasi lagi siyang maaasahan. Kapag narinig mo ang kanta o napanood ang music video, asahan mong mabubwisit ka – walang palya! Pero ang mas matindi rito, hindi ka lang mapipikon, mala-last song syndrome (LSS) ka pa. Ibig sabihin nito ay kantang hindi maalis sa utak mo kahit ayaw mo nito. Ito na nga ang isa sa mga sintomas ng pagkalunod sa kulturang popular. Inaawit mo ang ilang kanta maski isinusuka ito ng pagkatao mo, paliwanag ni Rolando Tolentino, isang propersor sa UP.



Tatak ni Astley ang palagi niyang suot na amerikana. Mayroon pang padding sa balikat. Kutis sanggol ang balat niya. Babyface, ika nga. Lagi ring malaki ang shades.



Papasok ang tunog ng tambol, gitara, at organ na sinynthesize. Kilala ang 80’s sa ganitong tunog. Halimbawa ay ang Buttercup, Uptown Girl, Whip it, atbp. Kasunod nito, magsisimulang umawit si Astley. Pinipilit niyang palakihin ang boses kahit pawang mataas naman ang timbre. Nagmumukhang lampa na nagpapanggap na maton tuloy siya. Ito na nga ang dominanteng pakiramdam ng awit: lampa na nagpupumilit maging siga.



Nakilala ang awiting ito sa Pilipinas dahil kay Roderick Paulate. Palagi niya itong inaawit sa mga variety show noong 80’s at 90’s. Sa katunayan, nagkasamang magtanghal si Rick at si Kuya Dick sa Araneta noong 2008. Ano pa bang kanta, eh di “Never Gonna Give You Up.” Kung papansinin, mahina na nagpapanggap na malakas din ang mga papel na laging ginagampanan ni Kuya Dick. Katulad ng padding sa amerikana. Pampalapad ng payat na balikat.



Medyo nakakaasar din ang sayaw ni Astley. Lalo itong nakakaasar sa bersyon ni Kuya Dick. Isipin mo, mataas ang sikat ng araw, nanananghalian ka, bigla mong maririnig ang sinynthesize na tambol, tapos makikita mo si Kuya Dick na gumigiling. Masasampal mo talaga ang sarili mo.


(Panoorin si Kuya Dick kasama si Rick Astley
na mag-perform ng Never Gonna Give You Up)


Ganito ang sayaw: kumekembot pakaliwa at pakanan ang buong katawan. Kasabay nito, nanginginig ang tuhod. Pero dapat hindi lalayo ang bunganga sa mikropono. Kumbaga maiiwan ang bibig habang kumikilos ang buong katawan. Para mong pinapanood umindak si Ho at si Ha. Sila ang mga bouncer sa Eat Bulaga, ‘di mo na naitatanong. Parang tuod. Pinag-iisipan ko sa sarili kung bakit kailangang nananatili ang ulo sa mikropono? Wala pa bang lapel noong 80’s?



Dito na nga nakuha ang salitang “RickRolled”. Ibig sabihin nito ay ang panloloko sa internet sa pamamagitan ng pag-click sa link na may ibang inaasahan pero iba pala ang lalabas na pahina. Kadalasan, music video ito ni Rick Astley na “Never Gonna Give You Up” pero maaari ring iba. Basta nakakabwisit.



“Never gonna give you up, never gonna...” bwisit, na-LSS tuloy ako!



______________________

* Mula sa Rejected UPCAT Essay Questions ni Sam Sanchez. Sa unang pagkakataon, nagdagdag ng essay questions sa UPCAT ngayong taon. Naglista si Sam Sanchez ng mga tanong na hindi naisama sa pagsusulit. Hindi ko alam kung totoo ang mga tanong na ito. Natuwa lang akong sagutin ang number 12. :DD





Mag-click dito para sa dagdag-babasahin tungkol kay Ho at kay Ha



Mag-click dito para manood ng Pinoy Sex Scandal

Friday, August 17, 2012

Kung Bakit Kulay Lupa ang Molasses: Repleksyon tungkol sa Community Organizing


Kulay kayumanggi ang kahirapan para sa akin. Kakulay ng lupa. Pero ito rin ang kulay ng probinsya, bulubundukin, magagandang tanawin, bakasyon, at pagpapahinga.

“Bakit ka nakapalda, Kuya Paeng?” naguguluhang tanong ng isang batang aktor.

Ito ang sumorpresang tanong sa akin isang umagang kakatapos lamang ng almusal. Paano ko maipapaliwanag na hindi palda ang suot ko? Hindi ko masabi na mula iyong Thailand. Mukhang palda lang talaga. Saka ko napansin na nakangisi na pala halos lahat ng batang nakakita sa akin. Kanina pa pala nila ako pinag-uusapan. Si George lang ang naglakas-loob na tanungin ako.


Mataas ang sikat ng araw noon. Nasa isang bayan kami sa Timog Luzon. Katabi namin ang isang munting palaisdaan. Nag-aagahan kami sa loob ng isang barung-barong. Kulay kape ang buong paligid: ang nipa, tuyong kawayan, at putik. Pero kahit masidhi ang araw, presko naman ang dapyo ng hangin.

Bakit kami naroon? Gustong magpasyon o krusada ng munisipyo. Pero para sa kanila, kaugnay nito ang teatro at ang sining. Kumbaga, isang pagtatanghal ang pasyon. Pero imbes na dasal ang binabanggit, pinalitan ng apela sa mga kababayan. Ito ang ideya nila ng adbokasiya: relihiyon at sining, pinagsama.

Napatanong ako sa sarili kung bakit mahalaga para sa kanila na malaman ang kasarian ko. Nandoon lang naman ako upang magturo ng tableau, pagkilos, at pag-arte. Pero bakit gusto nilang matuklasan ang iba’t-ibang bagay tungkol sa akin? Bakit interesado sila sa lahat ng ginagawa ko? Porke ba tagalabas ako? O siguro kapag nakakita ka ng lalaking nakapalda sa gitna ng bukid, maguguluhan ka talaga sa buhay.


Suot ko ang pantalon mula sa Thailand
na napagkamalang palda ng mga bata sa Southern Luzon

Saka ko napagtanto na naghahanap sila, bilang bata at kabataan, ng mga role models. Kagaya ko rin noon. Namamangha sa iba’t-ibang posibilidad. Nagtatanong kung ano ang gusto kong maging. At, palagay ko mas mahalaga rito, ano ang ayaw kong maging?

Ayon nga kay Albert Bandura, isang sikolohista, natututo tayo sa pamamagitan ng pagmamasid at pagtulad sa ibang tao. Kung gusto mong maging inhinyero, maghanap ka ng inhinyero na pwede mong gayahin. Doktor? Pumunta ka sa ospital. Artista? Manood ka ng telebisyon. Magsasaka? Magtanim ka. Emo? Manood ka ulit ng TV. Pinamamarisan natin sila. Kung ito na lang ang maiaambag ko sa pamayanan, bakit hindi?

Ididemolish kasi ang isang barangay nila. Natural ay tumutol sila. Kaya nasa korte pa ang kaso. Pinuproseso pa ang mga papeles. Ang katwiran nila, lagpas 30 taon na sila sa lugar. Sila ang nagpaunlad, nagpatag ng lupa, nagbaon ng mga pananim, at naglagay ng palaisdaan. Kaya hindi pwedeng bawiin nang ganun-ganon na lang.

Minsan hindi na rin ako naniniwala sa teatro o sa sining. Pero sa panahong iyon, ito ang hiningi sa amin ng mga tao.

Bukod sa palda, may dala-dala rin akong lapis at papel. Kasi ako ang playwright ng proyektong iyon. Isa lang ang prinsipyo ko tuwing nagko-community organizing. Sinusubukan kong tandaan na: “hindi ako mas marunong sa kanila.” Ang mga magsasakang pinuntahan namin ay may kakayahang magproseso ng tubo. Nagdisenyo sila ng mga makina upang gumawa ng molasses.  Sinusubukan nilang alisin ang mga middle men. Meron silang proyekto ukol sa organikong pagtatanim at sa pag-aalaga ng hayop. Bakit ko sasabihin na mas mahusay ako kaysa kanila? Saan ko ginamit ang lapis at papel kung gayon? Eh ‘di ibinigay ko sa kanila. Sila ang nagsulat ng sarili nilang dula. Sila naman ang mga huwaran ngayon.

“Paano ba mag-community organizing?” tanong sa akin ng isang kaklase sa sikolohiya.

Maaaninag sa mukha niya na gustong-gusto niyang maging community organizer. Pero hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Hindi naman ako eksperto rito. Pwede ko itong ipaliwanag sa pulitikal at lohikal na paraan. Pero sa totoo lang wala akong malinaw na sagot. Palagay ko, ang pagpunta pa lang doon ay kalahati na. Pumunta ka lang doon, makinig, makihalubilo, at gumawa ng mga manwal na trabaho. ***


Nagpagawa kami ng bolo mula sa lokal na panday matapos ang proyekto

Mag-click dito para sa dagdag-babasahin kay Albert Bandura.

(Wala akong makitang direktang link tungkol sa Community Organizing.) Pero mag-click dito para sa BS Social Work at BS Community Development na kurso.