Sunday, August 19, 2012

Sagot sa Number 12 Rejected UPCAT Essay Question: Why will Rick Astley Never Gonna Give You up, Never Gonna Let You Down?


Disclaimer: Nag-eksperimento lamang ako sa isang istilo ng pagsusulat. Ang mga opinyon sa entry na ito ay hindi ko totoong pinaniniwalaan. Enjoy!  :-)


12.) Why will Rick Astley never gonna give you up, never gonna let you down?*



Nasa harap ka ng laptop. Nagtsitsek ka ng e-mail at nag-e-fb. Nakakita ka ng interesanteng link. “Pinoy Sex Scandal,” ang pamagat. (Mag-click dito para manood ng Pinoy Sex Scandal.) Dahil gumana ang pagkamanyak mo, nag-click ka sa link. Si Rick Astley na sumasayaw at kumakanta lang pala ang napanood mo. “You’ve been RickRolled,” sabi ng pahina. ‘Di ba masisira ang araw mo?



Si Astley ay isang Briton na mang-aawit. Sumikat ang kanta niyang pinamagatang “Never Gonna Give You Up” noong 80’s. Nanatili ito nang ilang linggo sa tuktok ng UK at US charts.


(Panoorin ang Music Video ng Never Gonna Give You Up
ni Rick Astley)


Kung gayon, why will Rick Astley never gonna give you up, never gonna let you down? Kasi lagi siyang maaasahan. Kapag narinig mo ang kanta o napanood ang music video, asahan mong mabubwisit ka – walang palya! Pero ang mas matindi rito, hindi ka lang mapipikon, mala-last song syndrome (LSS) ka pa. Ibig sabihin nito ay kantang hindi maalis sa utak mo kahit ayaw mo nito. Ito na nga ang isa sa mga sintomas ng pagkalunod sa kulturang popular. Inaawit mo ang ilang kanta maski isinusuka ito ng pagkatao mo, paliwanag ni Rolando Tolentino, isang propersor sa UP.



Tatak ni Astley ang palagi niyang suot na amerikana. Mayroon pang padding sa balikat. Kutis sanggol ang balat niya. Babyface, ika nga. Lagi ring malaki ang shades.



Papasok ang tunog ng tambol, gitara, at organ na sinynthesize. Kilala ang 80’s sa ganitong tunog. Halimbawa ay ang Buttercup, Uptown Girl, Whip it, atbp. Kasunod nito, magsisimulang umawit si Astley. Pinipilit niyang palakihin ang boses kahit pawang mataas naman ang timbre. Nagmumukhang lampa na nagpapanggap na maton tuloy siya. Ito na nga ang dominanteng pakiramdam ng awit: lampa na nagpupumilit maging siga.



Nakilala ang awiting ito sa Pilipinas dahil kay Roderick Paulate. Palagi niya itong inaawit sa mga variety show noong 80’s at 90’s. Sa katunayan, nagkasamang magtanghal si Rick at si Kuya Dick sa Araneta noong 2008. Ano pa bang kanta, eh di “Never Gonna Give You Up.” Kung papansinin, mahina na nagpapanggap na malakas din ang mga papel na laging ginagampanan ni Kuya Dick. Katulad ng padding sa amerikana. Pampalapad ng payat na balikat.



Medyo nakakaasar din ang sayaw ni Astley. Lalo itong nakakaasar sa bersyon ni Kuya Dick. Isipin mo, mataas ang sikat ng araw, nanananghalian ka, bigla mong maririnig ang sinynthesize na tambol, tapos makikita mo si Kuya Dick na gumigiling. Masasampal mo talaga ang sarili mo.


(Panoorin si Kuya Dick kasama si Rick Astley
na mag-perform ng Never Gonna Give You Up)


Ganito ang sayaw: kumekembot pakaliwa at pakanan ang buong katawan. Kasabay nito, nanginginig ang tuhod. Pero dapat hindi lalayo ang bunganga sa mikropono. Kumbaga maiiwan ang bibig habang kumikilos ang buong katawan. Para mong pinapanood umindak si Ho at si Ha. Sila ang mga bouncer sa Eat Bulaga, ‘di mo na naitatanong. Parang tuod. Pinag-iisipan ko sa sarili kung bakit kailangang nananatili ang ulo sa mikropono? Wala pa bang lapel noong 80’s?



Dito na nga nakuha ang salitang “RickRolled”. Ibig sabihin nito ay ang panloloko sa internet sa pamamagitan ng pag-click sa link na may ibang inaasahan pero iba pala ang lalabas na pahina. Kadalasan, music video ito ni Rick Astley na “Never Gonna Give You Up” pero maaari ring iba. Basta nakakabwisit.



“Never gonna give you up, never gonna...” bwisit, na-LSS tuloy ako!



______________________

* Mula sa Rejected UPCAT Essay Questions ni Sam Sanchez. Sa unang pagkakataon, nagdagdag ng essay questions sa UPCAT ngayong taon. Naglista si Sam Sanchez ng mga tanong na hindi naisama sa pagsusulit. Hindi ko alam kung totoo ang mga tanong na ito. Natuwa lang akong sagutin ang number 12. :DD





Mag-click dito para sa dagdag-babasahin tungkol kay Ho at kay Ha



Mag-click dito para manood ng Pinoy Sex Scandal

Friday, August 17, 2012

Kung Bakit Kulay Lupa ang Molasses: Repleksyon tungkol sa Community Organizing


Kulay kayumanggi ang kahirapan para sa akin. Kakulay ng lupa. Pero ito rin ang kulay ng probinsya, bulubundukin, magagandang tanawin, bakasyon, at pagpapahinga.

“Bakit ka nakapalda, Kuya Paeng?” naguguluhang tanong ng isang batang aktor.

Ito ang sumorpresang tanong sa akin isang umagang kakatapos lamang ng almusal. Paano ko maipapaliwanag na hindi palda ang suot ko? Hindi ko masabi na mula iyong Thailand. Mukhang palda lang talaga. Saka ko napansin na nakangisi na pala halos lahat ng batang nakakita sa akin. Kanina pa pala nila ako pinag-uusapan. Si George lang ang naglakas-loob na tanungin ako.


Mataas ang sikat ng araw noon. Nasa isang bayan kami sa Timog Luzon. Katabi namin ang isang munting palaisdaan. Nag-aagahan kami sa loob ng isang barung-barong. Kulay kape ang buong paligid: ang nipa, tuyong kawayan, at putik. Pero kahit masidhi ang araw, presko naman ang dapyo ng hangin.

Bakit kami naroon? Gustong magpasyon o krusada ng munisipyo. Pero para sa kanila, kaugnay nito ang teatro at ang sining. Kumbaga, isang pagtatanghal ang pasyon. Pero imbes na dasal ang binabanggit, pinalitan ng apela sa mga kababayan. Ito ang ideya nila ng adbokasiya: relihiyon at sining, pinagsama.

Napatanong ako sa sarili kung bakit mahalaga para sa kanila na malaman ang kasarian ko. Nandoon lang naman ako upang magturo ng tableau, pagkilos, at pag-arte. Pero bakit gusto nilang matuklasan ang iba’t-ibang bagay tungkol sa akin? Bakit interesado sila sa lahat ng ginagawa ko? Porke ba tagalabas ako? O siguro kapag nakakita ka ng lalaking nakapalda sa gitna ng bukid, maguguluhan ka talaga sa buhay.


Suot ko ang pantalon mula sa Thailand
na napagkamalang palda ng mga bata sa Southern Luzon

Saka ko napagtanto na naghahanap sila, bilang bata at kabataan, ng mga role models. Kagaya ko rin noon. Namamangha sa iba’t-ibang posibilidad. Nagtatanong kung ano ang gusto kong maging. At, palagay ko mas mahalaga rito, ano ang ayaw kong maging?

Ayon nga kay Albert Bandura, isang sikolohista, natututo tayo sa pamamagitan ng pagmamasid at pagtulad sa ibang tao. Kung gusto mong maging inhinyero, maghanap ka ng inhinyero na pwede mong gayahin. Doktor? Pumunta ka sa ospital. Artista? Manood ka ng telebisyon. Magsasaka? Magtanim ka. Emo? Manood ka ulit ng TV. Pinamamarisan natin sila. Kung ito na lang ang maiaambag ko sa pamayanan, bakit hindi?

Ididemolish kasi ang isang barangay nila. Natural ay tumutol sila. Kaya nasa korte pa ang kaso. Pinuproseso pa ang mga papeles. Ang katwiran nila, lagpas 30 taon na sila sa lugar. Sila ang nagpaunlad, nagpatag ng lupa, nagbaon ng mga pananim, at naglagay ng palaisdaan. Kaya hindi pwedeng bawiin nang ganun-ganon na lang.

Minsan hindi na rin ako naniniwala sa teatro o sa sining. Pero sa panahong iyon, ito ang hiningi sa amin ng mga tao.

Bukod sa palda, may dala-dala rin akong lapis at papel. Kasi ako ang playwright ng proyektong iyon. Isa lang ang prinsipyo ko tuwing nagko-community organizing. Sinusubukan kong tandaan na: “hindi ako mas marunong sa kanila.” Ang mga magsasakang pinuntahan namin ay may kakayahang magproseso ng tubo. Nagdisenyo sila ng mga makina upang gumawa ng molasses.  Sinusubukan nilang alisin ang mga middle men. Meron silang proyekto ukol sa organikong pagtatanim at sa pag-aalaga ng hayop. Bakit ko sasabihin na mas mahusay ako kaysa kanila? Saan ko ginamit ang lapis at papel kung gayon? Eh ‘di ibinigay ko sa kanila. Sila ang nagsulat ng sarili nilang dula. Sila naman ang mga huwaran ngayon.

“Paano ba mag-community organizing?” tanong sa akin ng isang kaklase sa sikolohiya.

Maaaninag sa mukha niya na gustong-gusto niyang maging community organizer. Pero hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Hindi naman ako eksperto rito. Pwede ko itong ipaliwanag sa pulitikal at lohikal na paraan. Pero sa totoo lang wala akong malinaw na sagot. Palagay ko, ang pagpunta pa lang doon ay kalahati na. Pumunta ka lang doon, makinig, makihalubilo, at gumawa ng mga manwal na trabaho. ***


Nagpagawa kami ng bolo mula sa lokal na panday matapos ang proyekto

Mag-click dito para sa dagdag-babasahin kay Albert Bandura.

(Wala akong makitang direktang link tungkol sa Community Organizing.) Pero mag-click dito para sa BS Social Work at BS Community Development na kurso.

Sunday, September 19, 2010

A Nascent Martial Arts Exploration














Paeng Ferrer (09 Sept 2010)


I shake my head and I sigh in disbelief. A group of adolescent girls guffaw at me. They laugh because I miss a roundhouse kick pad work. I was 12. It was my first taekwondo lesson.


My father took me to a martial arts class for a father and son activity. It was 1995 and the closest school is in Cubao. Because of the girls laughing and the distance of the dojo, we only lasted two sessions. However, perhaps my father didn’t know, I immediately loved martial arts after that.

Nevertheless, it took me 14 years to take up martial arts again. I did not bother with the velvety breeze, tranquil trees, and high spirited joggers in UP Diliman. I was attentively looking for persons carrying long black bags. I followed them to the meadows beside the lagoon. Suddenly, I saw people jumping around and hitting each other with sticks. I figured, “what better way to start my martial arts journey than with Filipino Martial Arts (FMA).”

The Arnis practitioners were divided into two groups. The first was practicing intermediate exercises while the second was a bit more complicated. There were instructors for each cluster. I sat beside a tree and spied for a little while. I anxiously came up to the teachers during their break. They introduced themselves as Mr. Jeff and Mr. Brando. The former is in his youth with long braided hair. The latter is a clean-cut guy wearing eyeglasses and mountain bike shorts. They explained that they are from Lightning Scientific Arnis – International (LSAI). It is a school founded by GM Benjamin Luna Lema just before the Japanese War (also see our facebook account: Academia LSA). I promised to return for the next session.

Like many martial arts school, the teaching style revolves around repetition in order to gain muscle memory. However, I am extremely zealous bordering fanatical that I do not mind going through the activities. I am eager to learn how to grip the weapon, block, and strike properly. I fancy acquiring blisters and calluses. I push myself to exhaustion during conditioning exercises. I buy a lot of sticks, stick bags, practice daggers, training attires, etc. Occasionally, even outside work outs, I find myself hitting the air pretending I have sticks like a madman.

Once in a while, I stumble on something amusing in Arnis classes. It sort of defines me in a humorous way. It is providential that my favorite Arnis move is the umbrella block. It’s meant to stop a vertical attack to the head. The only problem is that I grew up in the boy band generation. I couldn’t help but notice that payong is like a boy band dance step. It goes like this:

1. Start with standing position. Hold the stick parallel to the ground with both hands in front of your hips.
2. As your opponent strikes you, block it by moving your cane above your head. Do this with your right hand. The stick should stay parallel to the ground but a bit leaning to the left. This will allow the assaulting weapon to slide away.
3. At the same time, deflect the attacker’s hand with your left hand.
4. Additionally, shuffle to the right to get out of range.

It’s a simple yet effective defensive move. But for me, it somehow becomes natural to sing a boy band song. I reckon it helps me keep my rhythm. Honestly.

A couple of months ago, I was fortunate to have witnessed the Lema Cup. It’s an Arnis competition in honor of the Grand Master. Early Saturday morning, I went to an edifice in the university. I witnessed, for the first time, various individuals from different LSAI chapters.

The fighters are in the center of the room. They wear protective gears like head coverings and groin guards. They clasp padded sticks. One is blue and the other is red, depending on their corners. Each player is unique. One of them is tall, the other short, one is bulky, one is slender, young, old, etc. In the same way, each fighter has a different strategy. One immediately goes for the head, the other hunts the opponent’s hand, somebody targets the legs, someone attempts to land as many combinations as possible, another one strikes then clinches, and so forth.

There are eight players. Each represents a different school. Two fighters battle at a time. There is no weight category. The fight starts after the salute. Three judges score the match from different angles. They raise either a blue or a red stick. This signifies which player lands a clean strike. After the points were tallied, the guy who went for the legs won. Our team did not triumph but it was an ecstatic day nevertheless (click here to see videos of Lema Cup 2010).

“It’s like we are standing before a mountain,” Mr. Brando told me after a class. It has almost been a year since I first approached LSAI in UP Lagoon. Yet there is still so much to unearth in the FMA terrain. Some people claim that studying martial arts encourage violence. Conversely, many of my classmates say that it gives them a sense of self-reliance. Thus, they move more peacefully when confronted.

There is another major advantage I obtain from Arnis. It is being able to share in the great history of our forefathers. I hear war stories from the Japanese period, the Macabebe’s, and the various weapons of our ancestors. My father was correct to think of martial arts as a father and son bonding activity. As a bonus, I am able to re-connect to the generation of my father’s father as well.

Lastly, in simple terms, I go to Arnis classes because I take pleasure in the company. So here’s to my teachers and classmates – PUGAY! ***

Wednesday, August 19, 2009

Diaspora: Isang Maikling Kwento

I tried my hand on something new. I wrote a short story. "We must not be harsh, Will," says Dr. Hannibal Lecter, "...our boy is still starting." Below is a preview. Click here to read Diaspora: Isang Maikling Kwento. Thank you very much.

“Ugat, tumakas tayo,” lumalapit sa akin si Amihan nang palihim. Hindi kami napapansin ng mga kapwa trabahador. Abala sila sa pananahi at pagluluto.

“Ano?”, sumasagot ako nang palinga-linga. Dinidiinan ko ang pindutan ng makina. Ipinapagpag ang tela. Sumusulyap muli sa kanya. Ayokong nakikipag-usap habang nagtatrabaho. Sinisita kami ng mga gwardya kapag nahuhuli.

“Bumaba tayo sa lupa.”

“Kumplikado ‘yon. Ako na lang ang bahala.” Napapansin niyang naiinis na ako. Lingon ako nang lingon sa mga gwardya. Nagdadabog na lumalayo si Amihan...

(Read More. Click here to view Diaspora: Isang Maikling Kwento.)

Click here to view Diaspora: Isang Maikling Kwento.

Friday, July 3, 2009

Three-Legged Dog: Reflection for Father’s Death Anniversary
















by Paeng Ferrer

Kinakaya niyang kargahin ang kahong
labis ang bigat, umpisa’y nasa ilalim
ang kanyang bisig. Kapag nasaid ang puwersa,
iniuusog ang kamay sa harap, ikinakawit
sa gilid, itinutulak ang timbang
sa dibdib. Iginagalaw ang hinlalaki
kapag napapagod ang daliri, para magbago
ang kalamnang nagdadala. Maya-maya
ay pasan-pasan sa balikat, hanggang
walang natitirang dugo sa bisig,
namamanhid sa pagbabalanse ng sisidlan. Pero
maaaring binubuhat muli mula sa ilalim, upang
posibleng hindi na niya ito ilapag kailanman.

-Jack Gilbert, “Patay na si Michiko”

salin ni Paeng Ferrer



“Kuya!,” my sister screams in terror the time my father dies. It is dawn. After a year, I lose my passion. My general philosophy becomes to float with no direction. I abandon my life goals. I do not know if it is because of my father’s death. Maybe it is merely a common phase conveyed by my current life stage. Nevertheless, I am somehow indifferent to everything around me.


A companion teaches me about the phases of grieving: denial, anger, guilt, bargaining, depression, and acceptance. These help me during my early stages. I am alone in my room. I feel I am traversing the border between sanity and insanity. However, when my mood piles up, I tell myself, what I’m feeling is anger, denial, guilt, etc. I am able to see myself from a distance. Sometimes, if I try forcefully, I let go of heavy burdens temporarily. This is very similar to relaxation techniques in therapy like breathing exercises, meditation, and concentration. Perhaps, it prevents neuroticism.


On the other hand, I realize that one never moves on. I am shocked that an event can inflict great agony. This is the most painful experience I endured. It is akin to a person experiencing a traumatic episode. One never forgets. I attempt to understand and rationalize it. Maybe he’s happier in heaven. Perhaps he has accomplished his purpose. Maybe it is a means for my family to bond closer. However, I am slowly beginning to sense that it is like a prayer that may never be answered. If I long for my father to subsist again, I know that craving will never consummate. I consider blaming God. I sometimes do.


I read in the “Boundaries” series by Cloud and Townsend that pain is different from injury. The former is temporary hurt. It helps people grow and mature. The latter is permanent impairment. From this dichotomy, death of a loved one is stipulated as pain. However, I deem that it is enduring damage. In no way does the departed come back. We move around it, the injury. I am like a three-legged dog. I function while carrying great weight.


My Cognitive Psychology class discusses closure. It is a term from the Gestalt School. It posits that people’s minds long to conceive complex elements into simple entities. Thus, healing is imagined. Truthfully, I admit that I long for closure. However, for the moment, I carry the box. #

Thursday, July 2, 2009

Halik sa Ama: Isang Elegia


















ni Paeng Ferrer

July 2, 2009



Hindi lahat ng pagdampi
na pisikal ay malugod.
'Di ko tanda ang halik mo,
o misay mo, o kung bakit

'di kita nakilala noong
nag-ahit ka. Magaling ka
na inhinyero at amo.
Kakayahan mo'ng mga ito.

Paano ako hihingi
ng bagay na 'di mo kaya
tulad ng mabuhay muli?
Ngayo'y ganito na ako

mag-isip. Dati'y poot lang.
Sino ako para sa 'yo?
Hinihintay pa rin kita.
Ang huling halik ko sa 'yo

ay itinuro ng Red Cross.
Naaamoy ko ang toothpaste
pero hindi kita ramdam.
Nabigla ang bawat nagmasid. #

Thursday, April 23, 2009

Paglangoy sa Isla ng mga Ketongin: Isang Alternatibo sa Halalan 2007

May isang eksena sa Motorcycle Diaries, isang pelikula tungkol kay Che Guevarra, na patuloy na pumipigil sa aking hininga. Kaarawan ni Che at nagdiriwang ang mga kasama niyang doktor at madre sa isang malaki at kumportableng tahanan. Tinatanaw niya ang isang isla ng mga ketongin sa kabilang ibayo. Ang mga taong may ketong ay naging kaibigan niya mula nang mag-volunteer siyang maging manggagamot nila. Lalabas si Che ng bahay habang umuulan. Lalanguyin niya ang ilog kahit mayroong mga buwaya, malalakas na alon, at umaatake ang kaniyang hika. Hihintayin siya ng mga ketongin sa kabilang ibayo at tutulungang umahon. May ngiting dadapo sa kanilang mga mukha na matagal nang hindi dumarating.

Ngayon ay nagkakagulo ang mga tao sa eleksyon. Nakaiiinis at nakasasawa ang mga patalastas ng mga pulitiko.

“You cannot control a social movement. You can only facilitate it," ang sinasabi sa Social Movement forum ng CSWCD. Ito ay ang aking pagtatangkang i-facilitate ang ating halalan.

Sa aking obserbasyon, mukhang may tatlong "movement" na kinikilusan ang mga tao ngayong halalan:
1. Una, maraming mga tao ang BOBOTO sa mga kandidatong tantsa nila ay tunay na magsisilbi sa bayan. Kausap ko ang isang kaibigan at ang sabi niya’y boboto ang kaniyang tiyuhin ng straight sa isang party kasabay nito’y may idaragdag na isang kandidato mula sa kabila. Abogado ang tiyuhin niya at nagdidesisyon ito batay sa track record ng mga kandidato.
2. Ikalawa, mayroong mga taong walang ibobotong pulitiko ngunit may ibobotong PARTYLIST. Wala silang ibobotong pulitiko sapagkat hindi sila naniniwala sa mga kandidato. Ngunit may nakikita silang pag-asa sa mga partylist sapagkat may nadarama silang sinseridad mula sa mga grupong ito. Ito’y dahil mula sa mga batayan at mga aping sektor ang mga kinatawan ng mga ito. Isa pa'y ang karamihan sa mga botanteng ito ay kabahagi ng partylist na iyon, o ng sektor na kinakatawan noon.
3. Panghuli ay may mga taong HINDI BOBOTO sapagkat hindi sila naniniwala sa mga kandidato at sa sistemang kinapapalooban nito. Magboboykot sila sapagkat ipinapaabot nila sa gobyerno na walang gamit ang sistema sa kasalukuyang panahon. Isa pa sa mga nais nilang ipaabot ay ang mensaheng masasama at kurakot ang mga kumakandidato at mga nasa puwesto. Isang uri ng pagrerebelde ang kanilang ipinapakita.

Ang lahat ng ito, sa aking palagay, ay mga lehitimong pamamaraan ng paglahok at paghahangad ng pagbabago. Nakapanghihinayang lamang at 'di tayo nagkakaisa kung alin sa mga ito ang dapat nating ginagawa upang maging epektibo ang pagpapahayag natin sa mga ninanais nating pagbabago.

Subalit ano ang magiging bunga ng tatlong "movement"? Kung maghahalal tayo ng mga lider, ano ang papel na dapat nilang gampanan? Ayon kay Alan Kaplan, isang organizational development theorist, sa simpleng pananalita ang pinuno ay may tatlong bagay na dapat iniingatan:
1. Ang una ay ang pagkakaroon ng vision, o PANGARAP, para sa pinamumunuan niya. Ang pangarap na ito ay dapat pinagkakasunduan ng lahat, ibig sabihin ay nakikilahok ang marami sa pagbubuo nito. Dapat rin ay feasible ito.
2. Ikalawa, ay ang paghihikayat sa mga TAO na kumilos patungo sa pangarap na bubuuin nila. Lahat ay dapat na may partisipasyon sa pagkilos na ito, dahil lahat tayo ay may maibabahagi gaano man kaliit.
3. Panghuli ay ang pagtatayo ng SISTEMA na gagabay sa mga pagkilos. Ang sistemang ito ay hindi magkakahon sa mga tao, bagkus ay magiging gabay o tagapagpadaloy upang mapadali ang pagkilos.

Subalit paano nga ba gagawin ang mga ito? Ayon kay Dave Andrews, isang community organizer sa Australia, maaabot lamang ang mga pangarap sa pamamagitan ng:
1. Una, ang ating mga pangarap ay dapat na ISINASALIN SA SALITA. Kapag ganito ay lagi natin siyang maaalala at masusuri. Magiging gabay rin ito sa pagkilos.
2. Ikalawa, ang ating mga pangarap ay dapat ISINASABUHAY. Sabi nila, lahat raw tayo ay nais baguhin ang mundo pero walang tao na nais baguhin ang kanyang sarili. Dapat ay ating itinatanong kung sino sa ating mga kandidato ang nagpapakita ng isang mahusay at mabait na pagkatao? Dahil sila ang nagpapakita sa atin na tunay na maaaring maabot ang mga pangarap. Posible na magkaroon ng taong may malasakit, at iba pa.
3. Panghuli’y, ang ating mga pangarap ay dapat na IPINAGDIRIWANG. Sa ganito’y ipinapakita natin sa iba na naaabot natin ang ating mga pangarap. Sapagkat ang pag-abot ng mga pangarap ay 'di ginagawa ng mag-isa kundi ng sama-sama.

Ayon kay Bill Mollison na isang ekonomista, hindi niya nakikita na magagawa ang tatlong ito sa loob ng malakihang sistema, kundi sa PAGKILOS SA MALILIIT NA PAMAYANAN lamang.

Ang eleksyon ay pakikilahok sa isang pangmalakihang sistema, hindi sa maliliit na pamayanan, kung kaya’t hindi matatagpuan doon ang pagbabago. Kung titingnan natin ang sistema ng halalan, mapapansin natin ang tatlong bagay:
1. Una, ang sistema ng halalan ay nagtutulak ng isang sistema ng KUMPETISYON AT HINDI PAGKAKAISA. Isang halimbawa nito ay ang palabas ng GMA7 kung saan nagmimistulang Question and Answer Portion mula sa isang Beauty Pageant ang pagpapakilala sa mga kandidato. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon upang makakita ng mga konsepto, o mga broad strokes, na pinagkakaisahan ng mga kandidato.
2. Ikalawa, ang sistema ng eleksyon ay kinikilala lamang ang boto ng NAKARARAMI KAYSA NG MINORYA. Paano halimbawa ang boto ng mga katutubo, o ng mga Islam? Bukod dito, kung wala kang pera o impluwensya sa media, kikilalanin ba ang mga pangangailangan mo matapos ang eleksyon?
3. Panghuli'y, dahil hindi pangmaliliit na pamayanan ang sistema ng eleksyon, wala tayong pagkakataong tunay na kilalanin ang mga kumakandidato. Kung gayon, ito’y isa lamang LABANAN NG IMAHE SA MEDIA. Hindi sapat ang nalalaman lamang natin ang track record ng mga kandidato. Dapat ay personal natin silang kinikilala. Hindi ito magagawa kung hindi natin sila nakakatrabaho sa pagpapaunlad ng maliliit na pamayanan.

Ang eleksyon ay nariyan lamang dahil wala pa tayong nakikitang sistemang maaaring ipalit dito.

Ano’ng alternatibo ang maaari nating ginagawa? Ayon muli sa Social Movement Forum, mayroong dalawang uri ng social movement. Ang una ay ang tinatawag na “Statist” o yung direktang nakikiharap sa estado at naghahangad ng malawakang pagbabago. Ang ikalawa ay ang “Non-statist” o yung ‘di direktang humaharap sa estado ngunit nangangarap ng malakihang pagbabago sa pamamagitan ng pag-iipon ng maliliit na mga pagbabago. Idaragdag ng mga speaker sa forum ang pagkakaroon ng uri ng movement sa gitna ng dalawang ito, o yung parehong Statist at Non-statist. Isa pa sa mga idaragdag ng mga speaker ay yung pagkakaroon ng mga religious movement. Kasama sa mga ginagawa sa social movement ay ang mga sumusunod:
- sumasama sa mga rally kung may isyung tinututulan
- pag-oorganisa ng maliliit na pamayanan
- pakikibahagi sa mga batayan at mga aping sektor tulad sa mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, at kabataan
- aktibong pakikilahok sa mga organisasyon sa ating maliliit na pamayanan
- pagsisikap na magkaroon ng pagbabago sa ating mga sarili
- pagtulong sa kapwa sa kanya-kanyang maliliit na pamamaraan
- at pagsali sa mga aktibidad ng simbahan tulad ng cell group, outreach, at iba pa.

Subalit ilan lamang ang mga ito sa mga naging modelo ng pagkilos patungo sa pagbabago. Maaaring mayroon pang iba.

Dapat ay patuloy nating tinatanong ang ating mga sarili ng mga sumusunod:
1. ANO ANG GINAGAWA NATIN UPANG ITAGUYOD ANG PAGKAKAISA AT HINDI KUMPETISYON? Dapat ay ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya upang pagkaisahin ang ating mga pangarap. Magagawa ito sa pamamagitan ng diyalogo at pagpapakumbaba. Madaling sabihin na nagkakasundo ang mga “Statist” at ang mga “Non-statist” ngunit karaniwa’y ‘di ito nagiging totoo. Subalit ito ang ideyal na dapat pinagsisikapang makamit kung nais natin ng pagbabago.
2. ANO ANG GINAGAWA NATIN UPANG IHAYAG ANG PANGANGAILANGAN NG MGA MINORYA? Kung mayorya ang nangingibabaw sa eleksyon, hindi nito ibig sabihin na hindi nararapat na pinakikinggan ang hiling ng mga minorya. Ang mga hiling na ito ay dapat ipinagkakaisa sa kagustuhan ng mayorya.
3. ANO ANG GINAGAWA NATIN UPANG MAGKAROON NG PAGBABAGO SA ATING MALILIIT NA PAMAYANAN? Ang dalawang nauna, sa palagay ko, ay hindi magagawa sa pangmalakihang sistema. Magagawa lamang ang mga ito sa pamamagitan ng paglilingkod sa ating sari-sariling pamayanan. Makikilala rin natin ng malaliman ang mga dapat na namumuno sa ating kani-kaniyang lugar.

Dapat ay patuloy nating inaalala na hindi natatapos sa eleksyon ang hinahangad nating pagbabago. Gaya ni Che Guevarra, ang pagboto natin, o ang pagpili ng boykot, ay paglusong pa lamang sa pampang ng ilog. Maraming kampay pa mula sa ating mga paa at kamay ang kailangang ginagawa natin upang makarating sa kabilang ibayo.***